Negosyante sa Bahrain at ang kanyang Pinoy employee, bestfriend ang turingan sa isa’t-isa!

Negosyante sa Bahrain at ang kanyang Pinoy employee, bestfriend ang turingan sa isa’t-isa!

Sa sobrang laki ng mundo, sino ba ang mag-aakala na matatagpuan mo pala ang iyong matalik na kaibigan sa napakalayong parte ng globe? Isa pa, napaka-unusual talaga para sa isang amo at ng kanyang employee na makahanap ng friendship sa isa’t-isa pero pinatunayan lang naman ng isang Arab businessman sa Bahrain at ng kanyang Pinoy staff na posible pala itong mangyari!

Credit: GMA Public Affairs YouTube

Hindi na bago sa ating pandinig ang kuwentong pag-ibig tungkol sa dalawang tao magkakaiba ang lahi kaya talagang unusual para sa Ilonggong si Jolie Embid na makahanap ng friendship sa kanyang amo na si Mishal Mohamed matapos ang araw-araw nilang kulitan at pagpapalitan ng pranks.

Among sa kanyang limang Pinoy employees, ibinunyag ni Mishal na favorite umano niya si Jolie dahil sa magaan nitong personalidad. Sa katunayan, palaging viral sa Tiktok ang ibinabahagi niyang videos kung saan ay featured si Jolie dahil sa nakakaaliw nitong reaksyon sa tuwing ginugulat siya ni Mishal.

Bagama’t bet na bet man ng negosyanteng Arab ang lahat ng kanyang Pinoy staff, inamin niyang kakaiba talaga ang level ng kasiyahan kapag si Jolie na ang kanyang pinagtitripan.

Credit: GMA Public Affairs YouTube

“I have a really good relationship with Jolie. When Jolie came into my company, I knew Jolie already so I already had that friendly vibe but over the years, he became like a bestfriend to me,” saad ni Mishal.

Ayon naman kay Jolie, normal na umano sa kanya ang ganoong klaseng reaksyon sa tuwing nagugulat kaya talagang sobrang fond sa kanya ang kanyang amo at BFF na si Mishal.

“Hindi ako gulating tao na magugulat sa isang tao din. Normal lang sa akin ‘yang gano’n,” sabi ni Jolie.

Paglalarawan naman niya sa kanyang amo, “Si Mr. Mishal isang taong matulungin, mabait, maunuwain, mapagmahal sa kapwa Filipino namin dito.”

Credit: GMA Public Affairs YouTube

At dahil sa deep na relationship ni Mishal sa kanyang Pinoy staffs, sobrang productive talaga ang kanilang araw-araw. Sa katunayan, hindi lamang simpleng employer at employees ang turingan nila sa isa’t-isa kung hindi ay isa ng pamilya.

“I love my employees. They’re all my friends. They’re all my family,” ayon kay Mishal.

Mahirap man ang buhay na malayo sa piling ng pamilya, nagsilbi namang blessing si Mishal Mohamed para sa lahat ng kanyang empleyadong mga Pinoy lalong-lalo na para kay Jolie na nakahanap ng mabuting kaibigan sa kanyang amo.

Ysha Red

error: Content is protected !!