Netizen na pinabaunan ng bento box ng kanyang asawa, viral ngayon sa social media!

Netizen na pinabaunan ng bento box ng kanyang asawa, viral ngayon sa social media!

Isa na namang mister ang sinuwerte sa misis dahil hindi lang naman simpleng lunch ang ipinabaon sa kanya sa work kundi ay isang kawaii-inspired na bento box na minarkahan ng netizens ng A+ sa effort!

Credit: Rexis V. Timbas Facebook

Ayon sa karamihan, unti-unti na umanong nawawala ang sweetness sa pagitan ng isang mag-asawa kapag may mga anak na pero ibahin niyo ang couple na si Karmina at Rexis Timbas dahil tila’y walang kupas ang effort nila sa pagpapahayag ng kanilang feelings sa isa’t-isa na idinaan lang naman ni Karmina sa hinanda niyang baon para sa asawa.

Sa post ng Batangeñong si Rexis Timbas sa Facebook na viral ngayon, ibinahagi niya ang kanyang cute na bento box kung saan ay hindi lamang basta-basta at plain na mga pagkain ang laman kundi ay star at animal-shaped na sandwich, fruits, fries, at ulam na may fancy na arrangement. Maliban nito, may nakadikit din na sticker sa takip ng tupperware kung saan nakasulat ang isang paalala na “Be polite”. Taliwas sa usual niyang baon, shocking talaga umano para sa kanya nang nakita ang laman nito at inakalang nagkapalit lamang sila ng baon ng kanyang anak.

Credit: Rexis V. Timbas Facebook

“Nagulat ako sa laman ng lunchbox ko….. mukhang may nagkapalit, mukhang may batang kumakain ng sinigang ngayon. Kaya pala may nakasulat na “Be polite” sa takip 😂😂😂,” sulat ni Rexis sa kanyang caption kalakip ng mga larawang ibinahagi niya kung saan ay featured ang kanyang cute na bento box.

Pagbabahagi pa ni Rexis, hindi naman pala sila nagkapalit ng kanyang anak ng baon dahil nalaman niyang sinadya pala ito ng kanyang misis dahilan kung bakit mas lalo itong pumatok sa publiko.

“Kinausap ko po si mommy kinuwento po niya ‘yung talagang ginawa po niya ‘yun para sa akin,” sabi ni Rexis sa exclusive na interview ng Philippine Star.

Credit: Rexis V. Timbas Facebook

Dahil sa good vibes na hatid ni Rexis, kaagad talaga na pinagkaaliwan ng netizens ang insidenteng ito. Marami rin ang pumuri sa effort na ibinuhos ng kanyang misis sa paggawa ng bento box.

Sa ngayon, umani na ng 22,000 reacts at lagpas 4,000 shares ang mismong post ni Rexis Timbas. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatawa sa kuwentong ito ni Rexis lalo na’t sobrang unusual lang naman para sa isang taong astig tulad niya ang pagkakaroon ng ganito ka-cute na baon?

Ysha Red

error: Content is protected !!