Parents ng topnotcher sa Nursing board exam ngayong taon, todo ang pagbida sa kanilang anak!

Hindi lamang simpleng kasiyahan ang ating nararamdaman sa tuwing nakikita natin ang ating mga pangalan sa listahan ng mga pasado sa board exam dahil nagsisilbi lang naman itong reward na hindi matatapatan ng kahit anong yaman dahil sipag, determinasyon, at pawis lang naman ang ating puhunan nito.
Credit: GMA News YouTube
Noon pa man, isa na talagang achiever si Keziah Kyleen Gonzales at sa kabila ng katotohanang laki siya sa hirap, hindi naman ito kailanman naging hadlang para sa kanya na abutin at isakatuparan ang kanyang pangarap sa buhay. Bagkus ay mas nagsumikap pa nga siya sa kanyang pag-aaral at nito lamang buwan ng Mayo ay Top 1 siya sa Nursing board exam na labis namang ikinasaya ng kanyang mga magulang.
Tunay nga na isang malaking karangalan ang makapasa sa board exam pero ang pagiging topnotcher ay isa ng malaking biyaya. Sa achievement na ito ni Gonzales, nananatili pa rin siyang humble pero tila’y wala naman siyang kontrol sa kaligayahan ng kanyang mga magulang na sina Owen at Abba dahil ibinida lang naman nila ng todo ang kanilang anak sa social media.
Sa post ng kanyang ama na si Owen sa Facebook, ibinahagi nito ang lumang larawan nila ni Kezia Kyleen kung saan ay nilagyan niya ng caption na, “Proud Papa. Top 1 ang anak ko sa nursing board exam 2022.”
Of course, hindi rin nagpahuli ang ina ni Keziah Kyleen na si Abba dahil ibinida rin nito sa Facebook ang pagiging topnotcher ng kanyang anak at ipinahayag kung gaano siya ka-proud nito.
Pahayag ng ina ni Keziah Kyleen, “Hiningi ko lang sa Panginoong Diyos na makapasa ang anak ko pero yung gawin pa niyang Top 1, nakakataas ng balahibo. Sobra ka, Lord!”
Ayon pa sa ina ng topnotcher, marami na umano ang nagpapadala sa kanya ng mensahe na nagsasabing magpapatahal sila ng lapis kay Keziah Kyleen bilang pampasuwerte. Habang binabasa ang positibong mga komento ng netizens, aminado sina Owen at Abba na nakakataba umano ito ng puso.
Tunay nga na ang achievement ng mga anak ay achievement din ng kanilang mga magulang kaya talagang kaliwa’t kanan ang appreciation post ng parents ni Kezia Kyleen sa kanya.
Credit: GMA News YouTube
Sino ba naman kasi ang hindi mapa-proud na bukod sa pagiging matalino, dedicated at sobrang sipag din ni Keziah Kyleen dahil noong siya’y nag-aaral pa lamang, todo rin siya sa paghahanap ng trabaho para lamang matustusan ang kanyang mga pangangailangan sa eskwela.