Pinoy na naglakbay gamit lamang ang isang electric toy car, agaw-pansin sa international scene nang ibida ni Alex Hirschi a.k.a. Supercar Blondie

Isa na namang Pinoy vlogger ang agaw-pansin sa international scene matapos ibida ng kilalang car enthusiast na si Alexandra Hirschi o mas kilala bilang Supercar Blondie ang paglalakbay niya ng dalawang araw gamit lamang ang isang electric toy car.
Credit: Supercar Blondie Facebook
Sa kanyang Facebook page, nag-post si Supercar Blondie ng isang video na nagtatampok sa kamangha-manghang adventure ng nasabing vlogger na kinilalang si Spart o Josef Farnacio sa tunay na buhay.
Sa nasabing viral video na ngayon ay mayroon ng mahigit 4.5 million views, makikita si Spart na bumibiyahe mula Pasig City hanggang Cavite City gamit lamang ang kanyang magarang electric toy car.
Idinokumento naman ni Spart ang kanyang buong karanasan bago makarating sa kanyang patutunguhan kung saan siya ay gumawa ng mga bagay gamit ang kanyang electric toy car na para bang isa itong totoong sasakyan.
Credit: Supercar Blondie Facebook
Gamit ang kanyang toy car, sinubukan ni Spart na mag-drive through, mag-deliver ng pagkain, magpalinis sa car wash, pumarada sa loob ng parking area ng isang mall at maging harangin ng ilang traffic enforcers sa gilid ng kalsada.
At ginawa ni Spart ang lahat ng mga bagay na ito para lamang bigyan ang kanyang kaibigan ng isang bagay na kalaunan ay nabunyag na isa lamang candy!
Nang tanungin kung ano ang nagtulak sa kanya na gawin ang lahat ng mga bagay na ito, sinabi ni Spart na gusto niya lamang malaman kung ano ang magagawa ng isang laruang kotse.
“I really wanna push the boundaries of a toy car, which is not really a logical thing to do because you need to charge, find places or find kind hearted people who are willing to lend me their electricity,” pag-amin ni Spart.
Credit: Supercar Blondie Facebook
Ngunit higit dito, inamin ni Spart na marami siyang natutunan mula sa kanyang pambihirang paglalakbay gamit ang kanyang laruang sasakyan.
Aniya, “I think I really made something out of that toy car. I just wanna live my life to the fullest. Yeah, it takes guts. It’s really important to focus on what you do and really respect the process.”
Samantala, umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizen worldwide ang kwento ni Spart. Narito ang ilan sa kanila:
“amazing. the Powerwheel ride-on toy car is not really designed for that kind of duty.”
Credit: Supercar Blondie Facebook
“This so cool. The guy is from the Philippines and he was able to travel with only his toy car. Amazing”
“Cool and it’s a jeep!!! And red,, sooo cool I drive the big one!!”
“He is living his best life….Good for him! ❤”