Sikat na couple vloggers sa Amerika, hindi maka-get over sa sarap ng Crispy Pata!

Sikat na couple vloggers sa Amerika, hindi maka-get over sa sarap ng Crispy Pata!

Dahil sa nakakatakam at hindi malilimutang sarap ng pagkaing mga Pinoy, talagang umaabot na ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo dahil nito lamang, ginawa lang naman silang favorite na pagkain ng sikat na vloggers sa Amerika!

Credit: Charles & Alyssa Forever YouTube

Sino pa ba sa ating mga Pinoy ang hindi nakakatikim ng crispy pata? Dahil sa crispiness nito sa tuwing kinakagat at nilalasap, talagang mahirap itong ayawan katulad na lamang sa nangyari sa sikat na vloggers sa Amerika na halos hindi na tantanan ang kinakaing crispy pata nang nagkaroon sila ng Pinoy food mukbang moment.

Credit: Charles & Alyssa Forever YouTube

Isa si Alyssa Hyde at Charles Davis sa mga sikat na couple-vloggers sa bansang Amerika dahil sa kanilang nakakatuwa at wholesome na contents. Sa vlog na ibinahagi nila nito lamang ika-8 ng Hunyo, mutual na napagdesisyunan ng dalawa na subukan sa pinakaunang pagkakataon ang ipinagmamalaki nating mga pagkaing Pinoy.

Sa kanilang pag-mukbang sa pagkaing mga Pinoy, unang sinubukan ni Alyssa at Charles ang crispy pata. Nang nalaman na sobrang lutong nitong kainin, talagang nag-struggle ang couple na tigilan ito dahil may iba pa silang ibang putahe na kailangang tikman.

Credit: Charles & Alyssa Forever YouTube

“That’s good. That’s like legit good,” komento ni Charles habang halos hindi naman makapagbigay ng feedback si Alyssa dahil sobrang busy niya sa pagkain ng crispy pata.

Dagdag pa ni Charles, “This is good as hell. You got to try this. I’m not lying.”

Credit: Charles & Alyssa Forever YouTube

Maliban sa crispy pata na Top 1 para sa kanila, nasarapan din ang couple sa adobong manok, sisig, pansit bihon, at lumpia shanghai.

“My number 2 is the adobo chiken. The one that tastes like a taco, that’s my number two,” sabi ni Alyssa.

Para naman kay Charles, sisig ang ikalawa sa kanyang favorite. Sa kanilang Top 3, talagang nalito si Alyssa kung alin sa pansit bihon at lumpia shanghai ang mas gusto niya habang para sa kanyang partner naman ay ang lumpia shanghai.

Credit: Charles & Alyssa Forever YouTube

Bagama’t unang pagkakataon man para sa sikat na couple-vloggers na si Alyssa at Charles ang pagkain ng ipinagmamalaking putahe nating mga Pinoy, kaagad naman silang nahumaling sa sarap na bigay ng tinikmang mga ulam at dessert ngunit talagang nangingibabaw sa listahan ng kanilang “Pinoy fave” ang crispy pata na tiyak namang babalik-balikan nila!

Ysha Red

error: Content is protected !!