Wedding proposal ng isang gamer sa kanyang kasintahan, level-up!: Nagkunwaring nalunod bago mag-propose

Wedding proposal ng isang gamer sa kanyang kasintahan, level-up!: Nagkunwaring nalunod bago mag-propose

Nauuso ngayon ang mga kakaibang wedding proposal ng mga kalalakihan sa kanilang mga kasintahan kung saan bago nila sabihin ang mga katagang “Will You Marry Me?”, paiiyakin muna nila ang mga ito sa sobrang nerbyos dahil sa naisip nilang pakulo o ‘prank’.

Credit: A Lasting Impression Facebook

Sa katunayan, kanya-kanyang isip ng pakulo ang mga lalaki para maging memorable ang wedding proposal nila para sa kanilang mga kasintahan. Siyempre, ‘defining moment’ kung ituturing ang wedding proposal sa relasyon ng magkasintahan dahil ito ang magdidikta kung ilalagay na ba nila sa next level ang kanilang pagsasama.

Isa naman sa mga viral ngayong wedding proposal video sa social media ay ang wedding proposal ng gamer na si Edgar Dumali na sumikat online bilang ChooxTv.

Sa kanyang wedding proposal, nagpanggap si Edgar na siya ay nalunod. Sa video na ipinost ng A Lasting Impression, makikitang nagsigawan ang mga tao nang makitang nalulunod sa dagat si Edgar. Inalis agad ng mga lalaki si Edgar sa tubig at dinala sa kanilang cottage para i-CPR ito.

Samantala, kinakabahan naman ang partner ni Edgar na si Angeline Pareño nang makita siyang walang malay. Sa katunayan, isa si Angeline sa mga nag-CPR kay Edgar.

Credit: A Lasting Impression Facebook

At maya-maya lamang, pinahinto ng mga tao si Angeline sa pagsi-CPR kay Edgar at pinatingin sa backdrop na hinanda nila.

Nakasulat nga sa backdrop ang tanong na “Will You Marry Me?” habang binuksan na ni Edgar ang kanyang mga mata para mag-propose kay Angeline.

Natigilan naman si Angeline at agad na napaiyak nang mapagtanto niya kung ano ang nangyayari.

Napuno nga ng saya ang lugar matapos magtawanan at maghiyawan sa labis na kilig ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan nang lumuhod na si Edgar at hiningi ang kamay ni Angeline.

Credit: A Lasting Impression Facebook

Hindi naman nabigo si Edgar sa kanyang wedding proposal dahil nasungkit niya ang “yes” ni Angeline.

Saad ni Angeline, “Mag-hindi pa ba ako?”

Samantala, bumaha naman ng pagbati para kina Edgar at Angeline mula sa netizens na kinilig sa kanilang wedding proposal video. Komento ng netizens:

Credit: A Lasting Impression Facebook

“Congrats! Sa inyong 2! Keep God in the center of your relationship! Godbless!”

“Congrats Pri! Pinaiyak mo kami. Love na love ka nyan!”

“Congrats Lodi chooks best wishes to your family and God bless can’t wait to ur NXT video at ur wedding na”

“Nice lods ang galing m umacting…congratulations lods choox and ate angeline happy birthday

“I’m soooo happy for you priii! Prank malalaaa. CONGRATULATIONS!!!”

Siyam na taon nang magkasintahan sina Edgar at Angeline. May apat na rin silang anak na puro mga babae.

Ysha Red

error: Content is protected !!