YouTuber na si Cong, tinalikuran ang pag-alis ng bansa para sa buntis na girlfriend

YouTuber na si Cong, tinalikuran ang pag-alis ng bansa para sa buntis na girlfriend

Wala talagang makakapigil sa taong determinado katulad na lamang ng sikat na Pinoy vlogger na si Lincoln Velasquez o mas kilala ng karamihan bilang Cong TV na gustong-gusto sumama sa bakasyon ng kanyang kapatid at mga kaibigan sa Vietnam ngunit nawalan ng passport.

Credit: Cong TV YouTube

Sa latest na vlog na ibinahagi ni Cong, mapapanood kung paano siya namomroblema kung paano siya makakapagpaalam sa kanyang partner na si Viy Cortez upang makasama sa Vietnam.

Matapos makipagsabwatan sa kanyang kapatid na si Junnie Boy at ilang ulit na pag-aalinlangan, walang pagdadalawang-isip siyang pinayagan ni Viy na labis namang ikinagulat ni Cong lalo na’t ang mismong araw ng kanilang pag-alis ay ang monthsary din ng couple.

Ngunit ang excitement na naramdaman ni Cong ay panandalian lamang dahil matapos siyang paalalahanan ng kanyang partner na nawawala ang kanyang passport, kaagad siyang nanlumo.

Credit: Cong TV YouTube

Determinado na makasama sa Vietnam, nagpakahirap si Cong sa pagkakalkal ng dating mga gamit, mga damit, papeles, at iba pang kagamitan upang mahanap lamang ang kanyang nawawalang passport.

Nang hindi niya nakita ang passport sa kwarto nila ni Viy, humingi na siya ng tulong kay Junnie Boy, sa kanyang kaibigan, at kay Miss Dianne na siya umanong nakahawak sa kanilang mga passport.

Muling nabigyan ng pag-asa, kaagad naman itong tinawagan ni Cong ngunit kaagad naman na napagulong sa sahig nang nalaman na expired na pala ang kanyang passport.

Kahit na’y nagpatulong na sa kanyang dating sekretarya sa paghahanap sa kanyang nawawalang passport, hindi pa rin ito nahanap ni Cong dahilan kung bakit wala siyang ibang choice kung hindi ay kumuha na lamang ng bagong passport sa DFA kung saan ay nabigo naman siya dahil wala siyang appointment.

Credit: Cong TV YouTube

Sa pagsapit ng monthsary ni Viy at Cong, nagkaroon ng date ang dalawa sa isang restaurant kung saan ay muli nilang napag-usapan ang tungkol sa nawawala umanong passport ni Cong at ang pagbabalak niyang pagsama sa Vietnam.

Matapos ang kanyang pangungulit at pagbibiro kay Viy na hindi pa rin nahahanap ang kanyang passport, bigla niyang inamin sa partner na nahanap na pala ito ng kanyang nanay dahilan kung bakit nagdalawang-isip si Viy kung papayagan ba niya talaga si Cong na umalis.

Nang sumapit na ang araw ng kanilang flight, ready na ready na talaga si Cong umalis ngunit nang nasa aiport na, biglang niyang na-realize na hindi niya kayang iwan ang kanyang mag-ina kaya napagdesisyunan niyang umuwi na lamang.

Credit: Cong TV YouTube

Nahanap na man ang kanyang nawawalang passport at sobrang ready na, mas pinili pa rin ni Cong na manatili na lamang sa tabi ng kanyang mag-ina. Isang sweet na gesture sa soon-to-be-Papa!

Ysha Red

error: Content is protected !!