Panganay na anak ni Dawn Zulueta na si Jacobo, binata na!

Panganay na anak ni Dawn Zulueta na si Jacobo, binata na!

Madali lang talaga lumipas ang panahon dahil ang noo’y baby na kinakarga mo lamang ay binata na at source na ngayon ng kilig ng iilang kababaihan!

Credit: @dawnzulueta Instagram

Mula pa man noon hanggang ngayon, nananatili pa rin ang fame ni Dawn Zulueta sa mundo ng showbiz. Maliban sa kanyang galing at husay sa pag-arte na palagi naman nating nasasaksihan sa bawat role na kanyang ginagampanan, isa ring responsible at proud na Mommy ang aktres.

Bilang isang ina, deserve talaga ng mga anak ang recognition sa tuwing may achievement o kahit simpleng transition lamang nito sa buhay. Maliban sa pisikal na pagbabago ng mga bata sa tuwing sumasailalim sa puberty, napapansin din ang kanilang growth sa certain na events katulad na lamang ng pagdalo nila sa prom.

Sa post ni Dawn sa kanyang Instagram account nito lamang, ibinahagi niya ang mga larawan ng kanyang panganay na anak na si Jacobo Antonio Lagdameo kung saan ay masasabing ready na ready na ito sa pagdalo nito sa prom dahil sa kanyang kumpletong outfit habang may bitbit na regalo.

Credit: @dawnzulueta Instagram

“🌹 Junior Prom 🥹,” sulat ng celebrity Mommy sa kanyang caption kalakip ng hashtag na “#proudmama” at “iloveyoujacobo”

Sa comment section naman ng mismong post ng aktres, hindi maitago ng kapwa niya celebrities na magulat sa pagbibinata ng panganay na anak ni Dawn.

“OMG!!! Such a gentleman already!!!” Komento ni Karen Davila.

Ayon naman kay Jackie Lou Blanco, “binata na!!!”

Credit: @dawnzulueta Instagram

“Wow! Napaka-debonaire ng iyong anak! 😁,” pahayag naman ni Princess Punzalan.

Bagama’t nakasuot man ng mask si Jacobo, pansin pa rin ng iilang netizens ang kanyang kagwapuhan. Of course, hindi na kataka-taka na instant crush at awtomatikong “add to heart” na kaagad ng iilang kababaihan ang panganay na anak ng phenomenal na aktres.

“Kung ang english ng likod ay back, bakit ang pogi naman po nitong naka black🙈”

“Nakapila na ba ang lahat o may nanalo nah? Pogi naman!😍”

Credit: @dawnzulueta Instagram

“Gwapo nmn nyarn😊❤”

“Ang gwapo mo Jacobo😍🥰”

Ngayon na nagbibinata na, mas kapansin-pansin na ang kagwapuhang taglay ni Jacobo. For sure, habulin ito ng mga babae. Tunay nga talaga na hindi nagsisinungaling ang genes ng mga magulang!

Ysha Red

error: Content is protected !!